Paumanhin sa mga mambabasang hindi nakakaunawa ng wikang Pilipino.
Minabuti kong ilathala ang nilalaman nito upang magbigay ng karagdagang kaalaman sa mga hindi pa nakakasubok na puntahan at basahin ang website ng Miss Universe sa ating wika, na maaari niyong piliin sa kaliwang itaas na bahagi ng pahina nito. Sa ngayon ay lima pa lamang ang nasa lista ng pagpipilian – Chinese, Filipino, Portuguese, Spanish at Thai – bukod sa Ingles. Nakakatuwang napasama agad ang ating wika, samantalang inaakala kong mas uunahin nila ang ibang banyagang salita sa kadahilanang malawak naman ang kaalaman ng mga Pilipino sa Ingles.
Ganunpaman, gawin niyo itong isang nakakaaliw na paraan para repasuhin ang mga nilalamang mga bagong balita at kaganapan dito. :-)
